Ang Ika-Pitong Labas!
Nag-iinit na ang ating mundo. Hindi dahil sa sobrang hot siya kundi dahil sa sobrang hot ng mga taong nakatira sa kanya.
Makikita sa cover ng magasin ang pinakamasamang panaginip ng mundo: ang maitapon sa impyerno na binabantayan ng mga demonyong tao.
Hehehehehe..
Pero may komiks sa loob na tumatalakay sa mga dapat gawin ng bawat isa sa atin sa bahay, sa school, sa opisina at sa kalsada para mabawasn ang "greenhouse gas emissions" at mapagtulungang mailigtas ang ating mundo sa tiyak na kapahamakan.
Kung interesado kayo sa bulk order, kontakin nyo lang po ako sa aking email address o sa aking cellphone number. paki-hanap na lang po sa ibaba ang aking numero. :)
Maraming salamt.
Thursday, October 25, 2007
Tuesday, October 2, 2007
Monday, October 1, 2007
Ito naman ang pinaka-unang labas ng CARTOONS, ang pinaka-unang magasin sa bansa na kinatatampukan ng mga editorial cartoon. Isinilang ang magasing ito ng pumutok ang isyu hinggil sa paglubog ng M/T Solar 1 kasama ang ilang libong litrong langis sa karagatan ng Guimaras.
Orihinal na layunin ng isyung ito ang maging isang midyum ng impormasyon hinggil sa isyu at makakalap ng pondo para sa mga biktima ng trahedya. Ngunit dahil sa kawalan ng suportang pinansyal, naging ispesyal lang ang sirkulasyon hanggang sa masundan pa ng mga katulad na labas sa mga susunod na buwan.
Hanggang ngayon ay nakalibing pa rin sa pusod ng karagatan ng Guimaras ang barko.
Brgy. R.P. - Ang Ating Barangay!
Ito ang pinaka-unang labas ng Brgy RP bilang isang buklet. Disyembre noong 2006 ito lumabas at mula noo'y hindi na nasundan. Xerox produced lang ito. :)
Ang BRGY RP ay isang comic strip na unang lumabas sa opinion pages ng pahayagang The GUARDIAN noong 2005. Isa itong political comic strip na may layuning ipakita sa mga mambabasa ang normal na reaksyon ng mamamayan sa mga maiinit na isyung nagaganap sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagpapatawa.
Ang comic strip na ito'y sumasalamin sa katangian ng mga Pilipinong idaan sa patawa ang lahat ng mga pangyayaring lubhang nakakaapekto sa ating buhay. Kumbaga, bago tayo magngitngit sa galit at gumawa ng marahas na hakbang para isulong ang ating mga kagalingan, idinadaan muna natin sa tawa ang lahat. Yan ang kinakatawan ng Brgy. RP.
Hindi layon ng Comic strip na ito ang manirang puri. Pagpapatawa lang po ang aming nais.
Subscribe to:
Posts (Atom)