Maaaring ako lang ang nakaramdam nito noong nakaraang linggo, pero hindi ko mapigilang isigaw ang aking pagkabwisit.
Una akong nabwisit ng makatsamba si Pacquiao kay Marquez sa 3rd round ng kanilng “Unfinished Business” match. At that moment, agad kong sinisi si Marquez sa kanyang kapabayaan. Bakit niya hinayaang makatsamba si Pacquiao? Bakit hindi niya nakita ang bara-barang suntok ni Pacquao? Alam naman niyang malakas manuntok si Pacquiao. Alam naman niyang mabilis ang kamay ni Pacquiao.
Sunod akong nabwisit nang ma-headbutt ni Pacquiao si Marquez dahilan upang masugatan ang Mehikano sa banding itaas ng kanyang kilay. Bagamat accidental headbutt naman yun, nakakabwisit pa rin ang magiging epekto nun kay Marquez. Lalo pa’t artista na dito si Pacquiao, dir in maalis sa isip ko ang makulit na tanong na: baka inartehan na naman niya ang headbutt para magmukhang aksidente lang yun?
At nung ilahad na ang desisyon ng mga hurado, mas nabwisit ako sa naging resulta. Bakit si Pacquiao ang nanalo? Bakit hindi si Marquez e samantalang si Marquez naman ang mas mahusay sa kanilang dlawa? Si Marquez ang nakapagpatama ng mas marami sa kanilang dalawa. Napadugo ni Marquez ang kilay ni Pacquiao ng dahil sa suntok, at hindi ng headbutt.
At ngayong siya na ang bagong kampeon, mas bwisit na bwisit ako.
Akalain nyo bang ipagmalaki niya ang kanyang sarili bilang kampeon ng masang Pilipino? Akalain nyo bang ipagyabang ng Malakanyang ang tagumpay ni Pacquiao bilang siya umanong nag-isa sa sambayanang Pilipino?
Bwisit!
Totoong malakas manuntok si Pacquiao. Totoong mabilis si Pacquiao. Pero hindi siya magaling na boksingero. Magaling lang siyang mascot ng pamahalaang ito. Siya ang bayani ng pamahalaan na kayang talunin ang mga kalaban, if the price is right.
Kaya tingnan nyo naman ang mga nagangayupapa sa kanya sa Malakanyang. Katulad din nya. Magagaling. Mahuhusay. If the price is right.

No comments:
Post a Comment