Thursday, December 27, 2007
PAPUTOK
Ngayong bagong taon ay sumabay ang Malakanyang sa pagpapaputok. Pero nais nilang sa kanila ang pinakamalakas.
Kaya naman eto't umarangkada na naman ang tsismis na asasinasyon, matapos ang kontrobersyal na pagpaslang kay Benazir Bhutto ng Pakistan.
Hmm. May maniniwala pa kaya sa kanila?
Gayong alam naman nating lahat ma ang pakanang ito ay isa sa pagsisikap nila para tuluyan na nilang maisagawa ang kanilang mga plano sa ilalim ng HSA?
Tuesday, December 25, 2007
Pinakislot ng bigong pagtatangka ng grupo ni Sen. Trillanes ang buong bansa. Mula sa de-erkong kuwarto ng isang mamahaling otel, tumagos hanggang sa kadulu-duluhang abot ng radyo at telibisyon ang takbo ng buong pangyayari, lalo na ang hindi makatarungan at kontrobersyal na pag-handle ng mga may kapangyarihan sa mga kagawad ng midyang naroroo't nagkokober ng mga kaganapan.
Ang mga kartung laman ng ikawalong labas ng Editorial CARTOONS ay isang pagtatangka, na ilahad ang isa pang pananaw hinggil sa pangyayaring yaon na kinilala ngayong Manila Pen Siege.
Swak na swak ang katawagang ito lalo na't ang Pen ay kumakatawan sa midya. Sa isyung ito'y nais naming ilahad na ang tunay na kinubkob ay hindi ang otel, kundi ang ating kalayaang maka-alam at ang anak nitong kalayaan sa pamamahayag.
Laman din ng isyung ito ang isang artikomiks hinggil sa Dengue, na naghahatid ng mariing punto na ang tao at hindi ang lamok ang tunay na nagkakalat ng dengue sa buong mundo.
Sana po ay magustuhan ninyo ito. Maligayang Pasko po! Manigong Bagong Taon na rin. :)
-----------------------------
(ang sumusunod na teksto naman ay ang posisyon namin hinggil sa pagpaslang sa isang kasama sa industriya, si Ferdinand 'Batman' Lintuan ng dxGO sa Davao. ang tekstong ito ay nakapaskil sa back cover ng ikawalong labas ng CARTOONS.)
PARA SA BATMAN NG DAVAO
Habang ginagawa namin ang magasing ito, nabiktima ng kultura ng karahasan at kawalang pakialam ng pamahalaan ang isa na namang mamamahayag.Si ‘Batman’ Lintuan, isang batikan at epektibong komentarista ng MBC sa lungsod ng Davao, ay pinaslang ng mga galamay ng pinaghihinalaang grupo o indibidwal na nasagasaan ng kanyang palabang dila.
Ang pagkakapaslang kay ‘Batman ay isang mapait na paalala sa ating lahat na hindi titigil at walang balak tumigil ang mga alagad ng karahasan, kasamaan, pandarambong, at kainutilan, na gumamit ng patraydor na armadong dahas para patahimikin ang mga katulad ni ‘Batman’ na nagbubunyag ng mga katotohanan.
Ganundin, ang pagkakapaslang kay ‘Batman’ ay isa pa ring mapait na patunay, na wala nang ‘due process’ sa mga mamamahayag na nakabase sa mga probinsya at yaong mga nakabilang sa mga maliliit na institusyon ng pamamahayag.
Ang pumaslang kay ‘Batman’ at sa iba pang mga lehitimong mamamahayag sa nakalipas na mga taon ay yaong mga grupo o indibidwal na may itinatago sa batas. Kaya’t ang paraan ng paglilinis nila ng kanilang mga pangalan ay hindi naaayon sa batas ng demokrasya, bagkus ay ayon sa batas ng karuwagang nakatago sa mga pulbura at tingga.
Ngunit hindi mapipigil ng marahas na pagkamatay ni ‘Batman’ ang kwerpo ng mamamahayag sa bansa na tumatangan sa responsableng pamamahayag.
Mula sa lugar na kinabuwalan ni ‘Batman’ ay uusbong, tutubo, yayabong, mamumulaklak at mamumunga ang marami pang bagong ‘Batman’.
Dahil hangga’t nananatiling isa sa mga karapatan natin ang maka-alam, tuluy-tuloy na dadami ang mga indibidwal na magiging ahente ng kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagpapahayag.
Ang pagpupugay ng Editorial CARTOONS ay ilalakip lang namin sa isang salita, at iniaalay namin ito sa mga kasamahan natin sa midya, sa mga bagong henerasyon ng mga mamamahayag, sa buong sambayanan, at sa mga martir ng malayang pamamahayag: PADAYON!
Wednesday, December 19, 2007
Naimbento nga ng mga Tsino ang makalumang yin-yang. Pero ginawa naman ng US ang makabagong bersyon nito.
Ang kanilang yin-yang ang siya ngayong pinaka-kalansay ng kanilang patakarang panlabas.
Kamakailan lamang ay bumulaga ang yin-yang na ito sa ating bansa. Una nating nakita ang kabilang pisngi nito: ang pasubok na pagkukudetang may halong insureksyunismo nina Trillanes at ng mga sibilyang grupong associated sa insurrection drive.
Nang mabigo ito, agad namang nagpakita sa atin ang kabilang pisngi nito: ang pasismo.
Ang walang pakundangang pag-aresto sa mga kagawad ng midya. Ang bantang pagbubuo ng patakaran sa pagkokober ng mga taga-midya sa kahalintulad na mga pangyayari. Ang paninindigang wasto ang handling ng pamahalaan sa mga taga-midya sa Peninsula. At ngayon nga, ang bantang pagbabalik ng Anti-Subversion Law. Pasismo.
Ah.
Dalawang mukha ng yin-yang ng Estados Unidos.
Salitang sumasampal sa ating pagkatao. Sa ating pagka-Filipino.
Thursday, December 13, 2007
DARKER DAYS
Habang iginigiit ng mga pribadong kapitalista at ng pamahalaang panlungsod ng Iloilo ang pagpapatayo ng isang nakakalason at mapanirang Coal-Fired Power Plant sa loob mismo ng naturang lungsod, nagiging sunud-sunod na ang brown-out sa bawat araw.
Ito ang paraan nila para papaniwalain ang mga Ilonggo na kulang na nga talaga ng kuryente ang lungsod at kailangan na nga talaga ang nasabing planta.
May isa pang tawag dito: Black mail.
Naging kontrobersyal ang naganap na pang-aaresto ng mga kagawad ng pulisya sa mga elemento ng midya sa gitna ng panibagong pagsubok ng grupo ni Trillanes, ilang indibidwal at ilang personalidad ng mga insureksyunista, na pabagsakin ang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Maraming batikos na tinanggap ang kapulisan at kasundaluhan pero matapang naman itong hinarap at sinagot ng mga opisyal nito.
Ganunpaman, nakakalungkot isipin na hindi naipupunto ng mismong mga media outlet na involev sa naganap na 'pen siege' ang isang napakalaking patunay na bukod sa mali ang ginawa ng PNP ay hindi pa ito ang epektibong paraan ng pagdakip sa mga Magdalo: ang pagtakas ni Capt Nicanor Faeldon.
Ah. Binuhay tuloy ng pangyayaring ito ang napakatagal nang tanong hinggil sa 'kalayaan' umano ng mga mamamahayag sa ating bansa.
Thursday, October 25, 2007
Ang Ika-Pitong Labas!
Nag-iinit na ang ating mundo. Hindi dahil sa sobrang hot siya kundi dahil sa sobrang hot ng mga taong nakatira sa kanya.
Makikita sa cover ng magasin ang pinakamasamang panaginip ng mundo: ang maitapon sa impyerno na binabantayan ng mga demonyong tao.
Hehehehehe..
Pero may komiks sa loob na tumatalakay sa mga dapat gawin ng bawat isa sa atin sa bahay, sa school, sa opisina at sa kalsada para mabawasn ang "greenhouse gas emissions" at mapagtulungang mailigtas ang ating mundo sa tiyak na kapahamakan.
Kung interesado kayo sa bulk order, kontakin nyo lang po ako sa aking email address o sa aking cellphone number. paki-hanap na lang po sa ibaba ang aking numero. :)
Maraming salamt.
Nag-iinit na ang ating mundo. Hindi dahil sa sobrang hot siya kundi dahil sa sobrang hot ng mga taong nakatira sa kanya.
Makikita sa cover ng magasin ang pinakamasamang panaginip ng mundo: ang maitapon sa impyerno na binabantayan ng mga demonyong tao.
Hehehehehe..
Pero may komiks sa loob na tumatalakay sa mga dapat gawin ng bawat isa sa atin sa bahay, sa school, sa opisina at sa kalsada para mabawasn ang "greenhouse gas emissions" at mapagtulungang mailigtas ang ating mundo sa tiyak na kapahamakan.
Kung interesado kayo sa bulk order, kontakin nyo lang po ako sa aking email address o sa aking cellphone number. paki-hanap na lang po sa ibaba ang aking numero. :)
Maraming salamt.
Tuesday, October 2, 2007
Monday, October 1, 2007
Ito naman ang pinaka-unang labas ng CARTOONS, ang pinaka-unang magasin sa bansa na kinatatampukan ng mga editorial cartoon. Isinilang ang magasing ito ng pumutok ang isyu hinggil sa paglubog ng M/T Solar 1 kasama ang ilang libong litrong langis sa karagatan ng Guimaras.
Orihinal na layunin ng isyung ito ang maging isang midyum ng impormasyon hinggil sa isyu at makakalap ng pondo para sa mga biktima ng trahedya. Ngunit dahil sa kawalan ng suportang pinansyal, naging ispesyal lang ang sirkulasyon hanggang sa masundan pa ng mga katulad na labas sa mga susunod na buwan.
Hanggang ngayon ay nakalibing pa rin sa pusod ng karagatan ng Guimaras ang barko.
Brgy. R.P. - Ang Ating Barangay!
Ito ang pinaka-unang labas ng Brgy RP bilang isang buklet. Disyembre noong 2006 ito lumabas at mula noo'y hindi na nasundan. Xerox produced lang ito. :)
Ang BRGY RP ay isang comic strip na unang lumabas sa opinion pages ng pahayagang The GUARDIAN noong 2005. Isa itong political comic strip na may layuning ipakita sa mga mambabasa ang normal na reaksyon ng mamamayan sa mga maiinit na isyung nagaganap sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagpapatawa.
Ang comic strip na ito'y sumasalamin sa katangian ng mga Pilipinong idaan sa patawa ang lahat ng mga pangyayaring lubhang nakakaapekto sa ating buhay. Kumbaga, bago tayo magngitngit sa galit at gumawa ng marahas na hakbang para isulong ang ating mga kagalingan, idinadaan muna natin sa tawa ang lahat. Yan ang kinakatawan ng Brgy. RP.
Hindi layon ng Comic strip na ito ang manirang puri. Pagpapatawa lang po ang aming nais.
Subscribe to:
Posts (Atom)