Thursday, December 13, 2007

The 'PEN' Siege

Naging kontrobersyal ang naganap na pang-aaresto ng mga kagawad ng pulisya sa mga elemento ng midya sa gitna ng panibagong pagsubok ng grupo ni Trillanes, ilang indibidwal at ilang personalidad ng mga insureksyunista, na pabagsakin ang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Maraming batikos na tinanggap ang kapulisan at kasundaluhan pero matapang naman itong hinarap at sinagot ng mga opisyal nito.

Ganunpaman, nakakalungkot isipin na hindi naipupunto ng mismong mga media outlet na involev sa naganap na 'pen siege' ang isang napakalaking patunay na bukod sa mali ang ginawa ng PNP ay hindi pa ito ang epektibong paraan ng pagdakip sa mga Magdalo: ang pagtakas ni Capt Nicanor Faeldon.

Ah. Binuhay tuloy ng pangyayaring ito ang napakatagal nang tanong hinggil sa 'kalayaan' umano ng mga mamamahayag sa ating bansa.

2 comments:

Unknown said...

Eksakto! Hindi kaya ng mga pulis natin ang crime scene and crowd management. Ang umiral lang nuong araw na iyon ay ang pagka pikon ng ilang miyembro ng ating kapulisan. At ang prueba nito ay pagsasa walang bisa ng sinasabi nilang polisiya na i-secure lahat ng mga nasa lugar ng krimen upang wala sa mga suspekt and makakatakas.
Mabuhay si Kapitan Faeldon. Sa ginawa niya ay pinasinungalingan niya ang mga hirit ng magagaling nating mga pulis.

Santa editorial said...

i tackled our plight as editorial cartoonist - visit here http://zamoracartoons.blogspot.com/2008/06/editorial-cartoonists-plight.html - best regards...