Friday, April 25, 2008

Eskandalosong Bakla


Nakakatawa naman talaga ang nangyari kay Jan-Jan.

Isipin mo nga naman, naghangad lang siya ng isang gabing kaligayahan sa inakala niyang “knight in shining armor” pero ang kinahinatnan niya’y ang malagyan ng isang canister sa loob ng kanyang puwit.

Nakakatawa dahil ang naging mitsa ng lahat ng ito ay ang kanyang katangahan, o sa medyo pinong pananatila, kawalang-ingat.

Pero labas sa usapin ng “nakakatawang pangyayari,” ang naging reaksyon ng mga medikong rumesponde sa kanya sa loob ng Vicente Sotto Memorial Hospital (VSMH), ay nakakabahala at nakapagngingitngit.

Mulat nilang linabag ang kanilang sumpa bilang mga manggagamot. Habang tinatahi nila ang sugat na sanhi ng katangahan ni “Jan-Jan”, nagtatawanan pang hiniwaan naman nila ito ng mas malaking sugat gamit ang isang cellphone camera at Youtube.

Ang ganitong pangyayari ay manipestasyon lamang ng nananatiling mababang pagtingin ng lipunang Pilipino sa mga bakla, at sa kanilang paraan ng pagtatalik. Ang ganitong klase ng pagtingin ay karaniwan na nating itinatransporma bilang pandidiri at kalokohan (malakas kasi ang imahinasyon ng mga machong Pinoy).

Ang Video

Nang mapanood ko ang video, inakala kong isa itong educational material. Yun bang tipo ng video na maaaring gamitin para sa pagtuturo ng tamang paraan ng pag-oopera.

Pero nung makita ko na ang mukha ng ilang nakatawang mediko, ganundin ang bungisngisan sa background, kagyat na nagbago ang aking paghuhusga sa obheto ng video.

Ang video ay isang “graffiti”. Paraan ng mga imbweltong mediko sa naturang “makasaysayang operasyon” para sabihing “we are here”, isang karaniwang gawain kapag nakakarating tayo sa mga lugar na bihirang mapuntahan ng iba o kaya’y sa lugar na pinangyarihan ng isang kakaibang kaganapan. Yun and dahilan kung bakit nagawa pang ngumiti ng ilan sa harap ng kamera.

Youtube

Pero nang in-upload ito sa Youtube, nag-iba na ang pangkalahatang timpla at mensahe ng video. Hindi na ito simpleng pagbibida sa mga personal na kakilala. Isa na itong walang pakundangang pagkakalat ng “tsismis” sa buong mundo, gamit ang pinakabagong behikulo ng tsismis sa web.

Dahil sa kawalan ng sapat na paliwanag, na siya sanang “gagabay” sa direksyon ng video, naging isa itong panibagong behikulo para sa mga mapanghusgang pananaw sa mga bakla sa buong mundo.

Ang dating mala-lagdang “graffiti” ay naging isa nang “discriminatory graffiti” na ubos-lakas na humihiyaw ng “BAKLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” sa buong mundo.

Sino Ngayon ang May-sala?

Otomatikong maituturong maysala si Jan-Jan. Pinabayaan niya ang kanyang sarili nang dahil lang sa isang matinding pagnanasa. Ang aral ay otomatiko ring natutunan ni “Jan-Jan” nang maganap sa kanya ang naturang pangyayari.

Isa pang may-sala ay ang mga medikong rumesponde sa kanya. Lumabag sila sa kanilang sinumpaang tungkulin. Linabag nila ang karapatan sa “privacy” ni “Jan-Jan” . At ang ganitong klase ng paglabag nila ay pawang pinagpapanagot ng batas.

May sala rin ang pamunuan ng VSMH. Ang kanilang walang-kahihiyang pagtatakip sa mga kriminal na nakasuot ng puting roba, ay isang hayagang paglabag sa batas, at sa etika ng pagiging isang bahay-pagamutan.

At Sino ang Tunay na Bakla?

Sa matsong depinisyon ng mga Pinoy, ang “bakla” ay isang lalaking may pusong babae, isang mahinang klase ng lalaki na palagiang ilinalampaso. Sila ang mga lalaking ginagawang bahag ang buntot at takot humarap sa mga hamon ng buhay na dapat hinaharap ng isang tunay na lalaki.

Hmm… kung sa kanyang depinisyon tayo magbabatay ng paghuhusga, sino sa tingin niyo ang tunay na bakla? Sino ang tunay na eskandalosong bakla? Si “Jan-Jan” ba na buong tapang na hinarap ang kanyang problema, o ang mga taong nasa loob ng VSMH na nananatiling nakatago sa closet ng kahihiyang sila rin lang naman ang may likha?

Isip-isip.

Eskandalosong Bakla


Nakakatawa naman talaga ang nangyari kay Jan-Jan.

Isipin mo nga naman, naghangad lang siya ng isang gabing kaligayahan sa inakala niyang “knight in shining armor” pero ang kinahinatnan niya’y ang malagyan ng isang canister sa loob ng kanyang puwit.

Nakakatawa dahil ang naging mitsa ng lahat ng ito ay ang kanyang katangahan, o sa medyo pinong pananatila, kawalang-ingat.

Pero labas sa usapin ng “nakakatawang pangyayari,” ang naging reaksyon ng mga medikong rumesponde sa kanya sa loob ng Vicente Sotto Memorial Hospital (VSMH), ay nakakabahala at nakapagngingitngit.

Mulat nilang linabag ang kanilang sumpa bilang mga manggagamot. Habang tinatahi nila ang sugat na sanhi ng katangahan ni “Jan-Jan”, nagtatawanan pang hiniwaan naman nila ito ng mas malaking sugat gamit ang isang cellphone camera at Youtube.

Ang ganitong pangyayari ay manipestasyon lamang ng nananatiling mababang pagtingin ng lipunang Pilipino sa mga bakla, at sa kanilang paraan ng pagtatalik. Ang ganitong klase ng pagtingin ay karaniwan na nating itinatransporma bilang pandidiri at kalokohan (malakas kasi ang imahinasyon ng mga machong Pinoy).

Ang Video

Nang mapanood ko ang video, inakala kong isa itong educational material. Yun bang tipo ng video na maaaring gamitin para sa pagtuturo ng tamang paraan ng pag-oopera.

Pero nung makita ko na ang mukha ng ilang nakatawang mediko, ganundin ang bungisngisan sa background, kagyat na nagbago ang aking paghuhusga sa obheto ng video.

Ang video ay isang “graffiti”. Paraan ng mga imbweltong mediko sa naturang “makasaysayang operasyon” para sabihing “we are here”, isang karaniwang gawain kapag nakakarating tayo sa mga lugar na bihirang mapuntahan ng iba o kaya’y sa lugar na pinangyarihan ng isang kakaibang kaganapan. Yun and dahilan kung bakit nagawa pang ngumiti ng ilan sa harap ng kamera.

Youtube

Pero nang in-upload ito sa Youtube, nag-iba na ang pangkalahatang timpla at mensahe ng video. Hindi na ito simpleng pagbibida sa mga personal na kakilala. Isa na itong walang pakundangang pagkakalat ng “tsismis” sa buong mundo, gamit ang pinakabagong behikulo ng tsismis sa web.

Dahil sa kawalan ng sapat na paliwanag, na siya sanang “gagabay” sa direksyon ng video, naging isa itong panibagong behikulo para sa mga mapanghusgang pananaw sa mga bakla sa buong mundo.

Ang dating mala-lagdang “graffiti” ay naging isa nang “discriminatory graffiti” na ubos-lakas na humihiyaw ng “BAKLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” sa buong mundo.

Sino Ngayon ang May-sala?

Otomatikong maituturong maysala si Jan-Jan. Pinabayaan niya ang kanyang sarili nang dahil lang sa isang matinding pagnanasa. Ang aral ay otomatiko ring natutunan ni “Jan-Jan” nang maganap sa kanya ang naturang pangyayari.

Isa pang may-sala ay ang mga medikong rumesponde sa kanya. Lumabag sila sa kanilang sinumpaang tungkulin. Linabag nila ang karapatan sa “privacy” ni “Jan-Jan” . At ang ganitong klase ng paglabag nila ay pawang pinagpapanagot ng batas.

May sala rin ang pamunuan ng VSMH. Ang kanilang walang-kahihiyang pagtatakip sa mga kriminal na nakasuot ng puting roba, ay isang hayagang paglabag sa batas, at sa etika ng pagiging isang bahay-pagamutan.

At Sino ang Tunay na Bakla?

Sa matsong depinisyon ng mga Pinoy, ang “bakla” ay isang lalaking may pusong babae, isang mahinang klase ng lalaki na palagiang ilinalampaso. Sila ang mga lalaking ginagawang bahag ang buntot at takot humarap sa mga hamon ng buhay na dapat hinaharap ng isang tunay na lalaki.

Hmm… kung sa kanyang depinisyon tayo magbabatay ng paghuhusga, sino sa tingin niyo ang tunay na bakla? Sino ang tunay na eskandalosong bakla? Si “Jan-Jan” ba na buong tapang na hinarap ang kanyang problema, o ang mga taong nasa loob ng VSMH na nananatiling nakatago sa closet ng kahihiyang sila rin lang naman ang may likha?

Isip-isip.

Friday, March 21, 2008

James


Manunulat, Kaibigan, Kasama

Tuesday, March 18, 2008

BWISIT

Maaaring ako lang ang nakaramdam nito noong nakaraang linggo, pero hindi ko mapigilang isigaw ang aking pagkabwisit.

Una akong nabwisit ng makatsamba si Pacquiao kay Marquez sa 3rd round ng kanilng “Unfinished Business” match. At that moment, agad kong sinisi si Marquez sa kanyang kapabayaan. Bakit niya hinayaang makatsamba si Pacquiao? Bakit hindi niya nakita ang bara-barang suntok ni Pacquao? Alam naman niyang malakas manuntok si Pacquiao. Alam naman niyang mabilis ang kamay ni Pacquiao.

Sunod akong nabwisit nang ma-headbutt ni Pacquiao si Marquez dahilan upang masugatan ang Mehikano sa banding itaas ng kanyang kilay. Bagamat accidental headbutt naman yun, nakakabwisit pa rin ang magiging epekto nun kay Marquez. Lalo pa’t artista na dito si Pacquiao, dir in maalis sa isip ko ang makulit na tanong na: baka inartehan na naman niya ang headbutt para magmukhang aksidente lang yun?

At nung ilahad na ang desisyon ng mga hurado, mas nabwisit ako sa naging resulta. Bakit si Pacquiao ang nanalo? Bakit hindi si Marquez e samantalang si Marquez naman ang mas mahusay sa kanilang dlawa? Si Marquez ang nakapagpatama ng mas marami sa kanilang dalawa. Napadugo ni Marquez ang kilay ni Pacquiao ng dahil sa suntok, at hindi ng headbutt.

At ngayong siya na ang bagong kampeon, mas bwisit na bwisit ako.

Akalain nyo bang ipagmalaki niya ang kanyang sarili bilang kampeon ng masang Pilipino? Akalain nyo bang ipagyabang ng Malakanyang ang tagumpay ni Pacquiao bilang siya umanong nag-isa sa sambayanang Pilipino?

Bwisit!

Totoong malakas manuntok si Pacquiao. Totoong mabilis si Pacquiao. Pero hindi siya magaling na boksingero. Magaling lang siyang mascot ng pamahalaang ito. Siya ang bayani ng pamahalaan na kayang talunin ang mga kalaban, if the price is right.

Kaya tingnan nyo naman ang mga nagangayupapa sa kanya sa Malakanyang. Katulad din nya. Magagaling. Mahuhusay. If the price is right.

Thursday, February 28, 2008

Hinggil sa Pastoral Letter ng CBCP

Napakalakas ng Posisyon ng CBCP.

Ang pinakahuling pahayag ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ay naghahatid ng mariing mensahe sa mga buwayang nakatira sa Malakanyang: MAGPALIWANAG KAYO! OR ELSE!

Ang “Seeking the Truth, Restoring Integrity” ay mensahe sa mga pinakamamahal na nilalang ng Diyos. At kasama sa pinapa-abutan ng naturang mensahe ang mga Obispo mismong nakaupo sa CBCP at sa Permanent Council.

Himayin natin ang mga nakakabit na mensahe.

1. Ilinilinaw ng pahayag na ang mga Obispo ay hindi mga lider-politikal. Sila ay mga pastol na gumagabay ay nagbibigay proteksyon sa atin mula sa mga masasamang elemento ng lipunan, para sa kabutihan ng lahat.

2. Kinikilala ng pahayag na hindi lang ang kaayusang politikal ang batayan ng isang malusog na demokrasya. Kung babalikan natin ang “Reform Yourselves and Believe in the Gospel! (Mark 1:15)” na pastoral letter ng CBCP noong ika-27 ng Enero, makikita natin ang mariing panawagan ng simbahan para sa pagbabago: pagbabago ng ating mga sarili (pagkilala sa ating naging partisipasyon sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan) patungo sa pagiging matatag na bahagi ng ating pamilya, pamayanan at lipunan. Patungo sa pagiging malinaw at malinis na konsensya ng lipunan.

3. Kinikilala ng pahayag na lugmok tayo ngayon sa krisis na hatid ng korapsyon, at kawalan ng moralidad ng kasalukuyang pamunuan ng pamahalaan. Kung babalikan ang “Reform…” makikita natin ang ilinatag na kalagayan ng mga Obispo ayon na rin sa mga kaganapan sa pambansang antas at sa mga ulat na nakakalap nila mula sa mga komunidad.

4. Ayon sa ispiritu ng pagiging patas, nais ng CBCP na ungkatin ang buong katotohanan. Pansin sa mga katagang “the search for truth… must be determined and relentless…” ang mensahe na hindi pa natin nauungkat ang BUONG katotohanan. Nais ng CBCP na papagsalitain ang Malakanyang at mga alipures nito upang sila na mismo ang magbigay-linaw sa isipan ng taumbayan. Sa pamamagitan nito (pagsasalita ng Malakanyang), inaasahan ng CBCP na makakagawa ng malinaw at matibay na desisyon ang taumbayan pag natiris (o hindi natiris) ng mga magiging kasagutan ng Malakanyang ang ilang pagdadalawang-isip ng ilang sektor ng ating lipunan.

5. Pagbubuo ng mga “circles of discernment” sa mga pamayanan. Pag-uulit lang ito sa malinaw na panawagan ng CBCP sa atin at sa kanilang hanay na rin na “form groups of thinking and praying people – in our schools, seminaries, parishes, mandated organizations, lay movements, social action groups, most especially in basic ecclesial communities…” Nais ng CBCP na tumbukin natin ang batayang kakulangan sa ating mga buhay pampulitika at panlipunan: ang pagpapasailalim ng “common good” sa “private good”.

6. Communal action. Malinaw ang panawagan. Sama-samang pagkilos ng Kristyanong komunidad at ng pambansang komunidad. Ngayon, para matiyak na spiritually-guided ang magiging pagkilos, inuulit-ulit ng CBCP ang panawagan nila hinggil sa “circles of discernment”. Ito ang kanilang lenggwahe na ang katumbas ay ang pagbubuo ng mga sit-ins, study groups, educational campaigns on the national situation, at iba pang porma ng kampanya na magbibigay kasagutan sa ating mga katanungan at gagabay sa ating magiging desisyon hinggil sa kung anong porma ng pagkilos ang ating tatahakin at panghahawakan.

7. People power with a difference. Nais ng CBCP na maulit ang tagumpay ng EDSA1. Pero nais nilang ibasura ang latak na nabitbit nito (ang mga power players na sumasakay sa mga lehitimong isyu ng bayan, at mga trapong mabilis pa sa kidlat kung magpalit ng mascara). Kaya nga ang unang hakbang ay ang maingat nilang pangunguna sa magiging desisyon ng taumbayan. Nais nilang magmula sa grassroots ang pagkilos. Kaya nga nananawagan sila sa kanilang mga sarili na magtayo sila ng malulusog at politically-matured na mga BEC sa kanilang mga diyosesis at arkdiyosesis. At malinaw na nagbigay sila ng instruksyon sa mga concerned CBCP commissions hinggil dito. Sa pangmatagalang pananaw, nais ng CBCP na dumating ang panahon na hindi na aasa sa kanila ang mga tao para magdesisyon. Bagkus ay kikilos ito ng isa ayon sa kanilang kolektibong pananaw, nang may isang boses, isang pninindigan at isang matatag na pamunuang mahigpit na naka-ugnay sa grassroots.

Ngayon, sa ganyang batayan, binuo nila at ipinanawagan ang mga sumusunod na punto:

1. Kondenahin ang nagpapatuloy na kultura ng korapsyon mula sa pinaka-ilalim hanggang pinakatuktok ng ating panlipunan at pampulitikang istruktura. Nais ng CBCP na isabay nating birahin ang lahat ng porma ng pangungurakot na nagaganap sa loob ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa. Tinukoy nilang ang korapsyon kasi ay isang porma ng pagprioritize ng private good kaysa sa common good, na mariing tinututulan ng Panlipunang Doktrina ng simbahan.

2. Huling tsansa sa pamunuan ni Gloria. A. Pangunahan ang pagbaka sa korapsyon. B. Baklasin ang E.O. 464 na nagsisilbing tabing sa mga mata at takip sa mga tenga, ang daluyan ng katotohanan sa ating katawan. C.Payagan ni Gloria ang kanyang mga alipures na magsalita hinggil sa usapin ng NBN-ZTE deal.

3. Apela sa mga sangay ng gobyerno na may kapangyarihang maglunsad at mangasiwa ng mga imbestigasyon, ayon sa interes ng taumbayan at hindi sa kanilang pansarili at pampulitikang interes.

4. Panawagan sa midya na maging positibong balon ng impormasyon sa paghahanap natin sa katotohanan at katarungan, at pagbaka sa korapsyon.

Ang mga mensaheng yaon, ay mabigat. Sa totoo lang isang buong People Power na ang ipinanawagan ng CBCP sa “Seeking..” Ang mga ilinatag na panawagan, particular ang ikalawa hanggang ika-apat, ay may invisible na karugtong na OR ELSE. Pag hindi nagawa ng kasalukuyang pamahalaan ang panawagang iyan, merong or else. Saan lumalabas ang or else?

Sa kawalan ng panawagan laban sa “Resign Gloria” clamor ng taumbayan.

Ibig sabihin, ini-engganyo tayo ng CBCP na ipagpatuloy, palakasin at palawakin ang kampanya kontra-Gloria. At habang ginagawa natin ito, binibigyan natin ng tsansa ang pamunuan ni Gloria na ayusin ang sarili nitong problema.

Ganun lang yun kasimple.

Kaya tara na!

Magbasa tayo at isabuhay natin ang Compendium of the Social Doctrine of the Church!

Itayo at palaguin ang mga matatatag at mulat na Basic Ecclesial Communities!

Isulong natin ang Common Good!

Bakahin ang lahat ng porma ng korapsyon!

Resign Gloria! Now Na!
-------------------------
Seeking the Truth, Restoring Integrity
(A CBCP Pastoral Statement)

Beloved People of God:

Greetings in the peace of the Lord!

Today in the midst of restlessness and confusion, we come to you as pastors, for that is our precise role. We do not come as politicians whose vocation it is to order society towards the common good. Our message contributes to the flourishing of a democracy which must not be built only on political formulae.

We face today a crisis of truth and the pervading cancer of corruption. We must seek the truth and we must restore integrity. These are moral values needing spiritual and moral insights.
Therefore, we address this pastoral statement to everyone particularly you our beloved people and in a special way to our political rulers and officials.

We are convinced that the search for truth in the midst of charges and allegations must be determined and relentless, and that the way to truth and integrity must be untrammeled, especially at the present time when questions about the moral ascendancy of the present government are being raised.

For this reason, we strongly:

1. Condemn the continuing culture of corruption from the top to the bottom of our social and political ladder;

2. Urge the President and all the branches of government to take the lead in combating corruption wherever it is found;

3. Recommend the abolition of EO 464 so that those who might have knowledge of any corruption in branches of government, may be free to testify before the appropriate investigating bodies;

4. Ask the President to allow her subordinates to reveal any corrupt acts, particularly about the ZTE-NBN deal, without being obstructed in their testimony no matter who is involved;

5. Appeal to our senators and the ombudsman to use their distinct and different powers of inquiry into alleged corruption cases not for their own interests but for the common good;

6. Call on media to be a positive resource of seeking the truth and combating corruption by objective reporting without bias and partiality, selective and tendentious reporting of facts;

For the long term we reiterate our call for “circles of discernment” at the grassroots level, in our parishes, Basic Ecclesial Communities, recognized lay organizations and movements, religious institutions, schools, seminaries and universities. It is through internal conversion into the maturity of Christ through communal and prayerful discernment and action that the roots of corruption are discovered and destroyed. We believe that such communal action will perpetuate at the grassroots level the spirit of People Power so brilliantly demonstrated to the world at EDSA I. It is People Power with a difference. From the grassroots will come out a culture of truth and integrity we so deeply seek and build. We instruct our CBCP Commissions to take active role including networking for this purpose.

May the Lord bless us in this sacred undertaking to build a new kind of Philippines and may our Blessed Mother be our companion and guide in this journey to truth and integrity.

For and on behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines:

+Angel Lagdameo, D.D.
Archbishop of Jaro
President, CBCP
--------------
CBCP Statement : “Reform Yourselves and Believe in the Gospel!” (Mark 1:15)

Beloved People of God:

Our Holy Father in his most recent letter to us reminds us of the gift of faith and hope: that when we believe, we hope; and that when we hope, we live differently (see Benedict XVI, Spe Salvi, November 30, 2007, no. 2). These convictions on faith and hope set the tone of our own letter to you in the present pastoral situation.

The Darkness of Our Situation—the Common Good Subordinated

For we live today as a people almost without hope, it would seem. We look at our landscape and see darkness everywhere. Many of us are more than aware that many problems are simply rumors, fears, suspicions, imagined wrongs. Because these are reported in the newspapers, we begin to believe that they are true.

In such a pastoral situation we are being asked again for guidance on various specific problems currently bothering us. The following have been brought to our attention:

(a) the perception that corruption in government is at its worst, fraudulent projects going on unchecked despite the bad publicity given them in the media, investigations into the truth of allegations of bribery often stymied or their results unreported;

(b) the suspicion that martial law will be imposed as a response to the likelihood that destabilizing coups against the government are still being planned by disgruntled elements of the military allegedly with some civilian support;

(c) the constant talk about plans and moves for Charter change being made by politicians which to all intents and purposes appear to be nothing but a ploy for the sole purpose of their staying on in power—not the kind and method of making the right kind of change in the nation’s basic law;

(d) the “extra-judicial” killing of suspected leftists and their sympathizers, as well as media men, and the inexplicable lack of action on them despite strong suspicions about their perpetrators in the military establishment;

(e) the imminence of a law establishing a national ID system and the fear of some that this is being pushed simply for easier control of socially active elements of the general population.

The above are more or less the problems of the nation as seen from the center that is Manila. They are by no means universal as far as the entirety of our people is concerned. What emerge from the periphery—the provinces—are concerns quite different from the above. The following were brought to our attention by many of our people:

(a) the appreciation of the peso against the dollar resulting in the depreciation of OFWs’ remittances, contributing not a little to the continuance and exacerbation of the endemic poverty of the countryside;

(b) the lack of support for the improvement of the general welfare of rural folk, the slow progress especially of the land-reform program which is due to end this year unsatisfactorily funded and implemented;

(c) the bad peace and order situation obtaining in areas where the unabated fighting—or the threat of it—between the military and the NPA and the MILF/MNLF continues to cause unrest;

(d) the long-awaited and fought over reform of COMELEC which up to now has not been enacted;

(e) the pushing of mining concerns against the best interests of our people, especially of indigenous groups in disregard of the provisions in their behalf that the Indigenous Peoples’ Rights Act guarantees;

(f) the continuing abuse of our natural resources, of forest and marine life in particular, and the corruption in agencies that are meant to protect these resources; and

(g) the growth and proliferation of family political dynasties in many provinces and cities which only serve to institutionalize more intensely the concentration of power and unsavory economic opportunity in the hands of the few.

In the two sets of problems that have been listed above, for all their apparent differences, we see nothing new. They are the same old problems, or variations of them, which have been plaguing our nation for years on end, through successive political administrations. Nothing or very little seems to have been done about them.

In them all we see the all too patent subordination of the common good to private good.

This is the basic fault in our country’s political culture that the Church in its preaching of Christ’s Gospel of social justice and charity has been bringing to our attention all these years and asking us and our communities to respond to as effectively as we can. It is the reason we make concern for the common good a crucial criterion for the choice of public officials. The persistence of that deep-seated fault pushes us to conclude in sorrow that we as a people are still devoid of a real social conscience.

Today we often hear that “closure” has to be made to various issues ranging from the elections of 2004 to present charges of corruption in high places. That the political order is accused too often with moral bankruptcy with nary an exception is a sad sign of the general cynicism and frustration of our people. Most unfortunately there does not seem to be any way of achieving closure. For the process and results of standard democratic inquiries, sometimes including those by the Supreme Court, are received with skepticism and cynicism, given political interests, alliances, and allegiances.

And we hear the general cry from the periphery: “Enough of the paralyzing divisions in the body politic. Bring issues to the courts and trust them to do their jobs. And help us get on with our lives, with our concern for livelihood.”

In the Darkness, Light

In such a pastoral situation of frustration, cynicism and apparent hopelessness, we need to be aware of the deep resources of our faith in the Lord for whom all things are possible. We take our faith for granted in daily life. Often we act and behave contrary to faith. We resort to faith as a last resort and not as a daily catalyst.

Yet it is only from the perspective of faith and hope that we are able to see light in the darkness, liberation from darkness.

So if what we have brought to your attention seems to be only the dark side of our national situation, we should be able in the same faith and hope to see glimmers of light shining through—glimmers that must be of our own creation. But not entirely: for despite the prevailing darkness, we see everything is not thoroughly evil. There is good everywhere, even in those we often criticize, and it is our task to critically collaborate with them even as we critically oppose the not too good. This is integral to the challenge being put to us.

Journey to the Light—Start with Ourselves

If you agree with what we said above that the lack of a social conscience is, indeed, our common sin, is there anything we can do about it?

To journey to the light, we need first to realize that we have contributed not a little to the common malaise—because of decisions we have made, decisions that flowed from what we have become and because of our unconcern, inaction, apathy, often thinking only of our interests. And so with little sense of the future of our country, we vote for people we should not vote for.

Therefore, in the much needed regeneration of our politics and social life, this is where we have to start: with ourselves, as individuals, families, communities.

We have always put the blame on people we have chosen to govern us. Today we have become more aware that despite efforts, successful or not, to remove the incompetent or corrupt, our problems have remained. We have looked at the enemy as only outside of us.

But now we ask: In the face of the many persistent and unresolved crises of today can we together make a determined start, by making a conscious effort at changing our mind-sets towards a greater and more efficacious concern for the good of the nation?

Personal and Communal Conversion towards a Social Conscience

We are asking you, our beloved people, to be with us in the moral-spiritual reform of our nation by beginning with ourselves. This is what we need—conversion, real conversion, to put it in terms of our faith, for all of us to deliberately, consciously develop that social conscience that we say we sorely lack and to begin subordinating our private interests to the common good. This conversion is for all of us: laity, religious, priests, bishops.

But we have to go about it not only as individuals but just as importantly as whole communities. We have to face a common problem and map out deliberately and communally how to go about the work of self-reform. It is nothing less than what St. Paul speaks about: “Do not conform yourselves to the standards of this world, but let God transform you inwardly by a complete change of your mind. Then you will be able to know the will of God—what is good and pleasing to him and is perfect” (Rom. 12: 2).

Renewal of Faith-Communities, Civil Society, Political Leaders

We have to come together then as communities of faith, as we your Bishops said back in 1986 after the Snap Elections of that year, to “pray together, reason together, decide together, act together,” form groups of thinking and praying people—in our schools, seminaries, parishes, mandated organizations, lay movements, social action groups, most especially in basic ecclesial communities which the Rural Congress we will be holding this year looks to as a crucial instrument in the forbidding task of rural development.

We zero in on what we say is the basic fault in our communities’ political and social life: the subordinating of the common good to private good. We see how this flaw in our national character evinces itself in our community life. We need to seek ways and mean of correcting it in whatever way we can—but always according to the principles of active-non violence—together, creatively and imaginatively, as we bishops exhorted in 1986. We have to form ourselves into real communities of faith-discernment and -action.

We ask this of explicitly Church groups. But we will ask it too of all citizens who have a concern for the nation’s good, especially those who hold the reins of power, from MalacaƱang on to Congress, provincial and municipal governments, all the way down to barangay councils. People in government—and as well as all other civic and business groupings—can they too reflect together in all manner of associations and look into themselves to see if, in all their actuations, the demands of the common good are in fact captive to merely personal and selfish interests? And if they are, can they rise up to the challenge and decide themselves to contribute to the general effort?

This must sound like a preposterous request, but we make it anyway for we believe that what it seeks is the critical need of the moment. Already it is being responded to here and there by various concerned groups such as those that have been organized and trained to fight corruption. So we seek a wider response from all our faithful towards a more vigorous work for good governance and a more active promotion of responsible citizenship in our society in the light of the Gospel and the social teachings of the Church.

If in your minds, corruption—the worst offender against our common good—is rampant today, sparing no level of social and political life, and most glaringly and reportedly so in the various corridors of power, we have to confess that corruption is in truth our greatest shame as a people. But if it goes on unhindered, it is because, as we have had occasion to point out in the past, we all too often condone it as part of the perquisites of power and public office.
Lent—the Time to Journey Together toward Transformation

Lent will soon be upon us, a time of penance, of sorrow for sin, of self-reform. Soon we shall hear again the clarion call of the Lord Jesus: “Reform your lives and believe in the Gospel!” (Mk 1: 15). This season is the appropriate beginning for profound reform and conversion. It is the time for a spiritual combat against the enemy within, our pride and greed, our lust for power and wealth, etc.

And so we exhort you, our beloved people: As a special project for this year’s Lenten observance and in the spirit of penance, let us come together in little groups of reflection and discernment. In these groups we look seriously at our part in the many evils of our day—as individuals, as families, as communities—and discern what action we can do together.

Alay Kapwa is our traditional Lenten Program of sharing time, treasure and talent for evangelization. This Lent, without forgetting the treasure part, we zero in, in a very special way, on time and talent, asking what we can offer of these for the common effort towards the correction of our social ills. These would be evangelization of the most authentic kind. For it means a real acceptance of the Lord’s mandate to us as Christians to be concerned about one another, to go beyond ourselves and reach out to others. This attitude in the pattern of Christ himself is at the heart of Christian identity.

Hence other already existing movements and efforts (like the Pondo ng Pinoy) aimed at the transformation of Filipino culture through little acts of kindness for the neighbor and motivated only by the love of God—these too must be intensified as essential to our Lenten program of reform.

In our coming together, in our exchanging of ideas and discerning on them, in our praying and acting together, we bring hope to our despairing land—the hope that our Holy Father, Pope Benedict XVI, says in his most recent encyclical is the great need of our modern world.
With Mary, Mother of Hope, on the Journey of Renewal

We beg Mary to intercede for us with her Son Jesus. In the midst of the disciples who hoped for the renewal of the Holy Spirit on the day of Pentecost, she stood as their Mother, our Mother, of hope. Mary, Star of the Sea, guide us on our journey of renewal that we may more faithfully follow your Son Jesus in his loving care of all our brothers and sisters.

For the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines,

+ANGEL N. LAGDAMEO, D.D.
Archbishop of Jaro
CBCP President
January 27, 2008

Thursday, February 21, 2008

HINGGIL SA “COMMUNAL ACTION”

Habang mabilis na tinatanggap ng mas nakararaming masa ng sambayanang Pilipino ang panawagang communal action ng simbahan, ang mga “matatalinong taong” nakakumpol sa mga grupong kung tawagin ay “civil society”, pati na yaong mga nasa tradisyunal na oposisyon, ay nagkakamot ang ulo sa pag-unawa sa naturang panawagan ng simbahan. Ang ilan ay may bayag pang sabihin na “weak” ang naturang pahayag ng simbahan, ang iba naman ay nagkasya sa pagtawag ditong “vague”.

Narito ang aking pananaw sa kung bakit hindi maunawaan ng mga taong nabanggit ko ang naging panawagan ng CBCP.

Power Play ang mekanismong nagpapa-andar ngayon sa mga taong nasa “civil society” at tradisyunal na oposisyon. Sumasakay ang mga grupong ito sa isyu ng NBN-ZTE Scam para makabalik sa puwesto at siya na namang mangurakot sa kaban ng bayan. Sa kanilang pananaw, dahil nagkandakumahog sila sa pagpapahayag ng suporta kay Jun Lozada, sila ang “wastong” tao o grupong dapat mailuklok sabay sa inaasam nilang “change of leadership.”

Sa labanan ng “good and evil” mabilis silang nagpostura bilang mga alagad ng mga Jedi Masters. At otomatikong pinagtuturo ang kanilang katunggali bilang mga nasa dark side of the force.

Nabisto ang tunay nilang kulay nang itayo nila ang Council for Moral Recovery, at ng magsipaglabasan ang mga dating opisyal ng pamahalaan para lumagda sa isang panawagan laban sa kasalukuyang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Nais kung gayon ng mga taong ito na muling ialay sa kanila ng simbahan ang mga mananampalataya nito para magsilbing sasakyan nila papasok sa kapangyarihan, sa Malakanyang. At hindi nila inaasahan ang pahayag na ito ng CBCP, kaya para hindi sila mapahiya, nagpapanggap na lang sila bilang mga “hindi nakakaunawa.”

Hindi sila marunong bumasa ng kalagayan ng lipunan, ayon na rin sa karanasan natin mula sa nakaraan. Naniniwala ang mga taong ito na nauulit ang kasaysayan. Kaya naman ipinupuwesto nila ang kanilang mga sarili para makinabang “sa pag-ulit ng kasaysayan.”

Ito ang mga taong walang pakialam sa bayan. Ni hindi sila nag-organisa ng mamamayan. Ni hindi sila tumapak sa mga palayan. Ni hindi sila nakatikim ng pagod sa mga pagawaan. Pero heto’t nagkukumahog sila sa pag-claim ng kapangyarihan. Huwag nating kalimutan ang partisipasyon nila sa EDSA dos. Pagkatapos mailuklok si Gloria, nailuklok din sila sa poder. At pagkatapos nilang mailuklok, sila naman ang nangurakot. Tanda nyo pa ba ang isyung kinasangkutan ng CODE?

Pero ano nga ba ang communal action na ito?

Bilang isang simpleng Katoliko, ang panawagang communal action ay tinitingnan ko bilang isang tipo ng pagkilala ng simbahan sa “political maturity” ng taumbayan. Ang makailang-ulit na pananamlay ng mamamayan sa isang mala-EDSA’ng tipo ng pagkilos ay sumalamin sa pangkalahatang pulso hinggil sa potensyal ng sinumang papalit sa puwesto na maging kapareho ng papalitan nitong politico. Kaya nga mas binigyang diin ng simbahan ngayon ang pagbubukas pa ng ilang posibilidad, na mas maunlad kaysa sa nauna. Pero dahil kinikilala na nito ang political maturity ng sambayanan, ingat itong pangunahan ang taumbayan sa kung anong porma ng pagkilos ang dapat nitong isapraktika. Kaya nga “pray together” (united call), “decide together” (pagkakaisa), “act together” (sama-samang pagkilos), ang naging panawagan. Sa kung anuman ang dapat gawin, ipinapaubaya na ng simbahan sa atin ang desisyon at responsibilidad.

Isa rin itong manipestasyon na natuto na ang simbahan sa mga pagkakamaling luwal ng unang dalawang kilusang EDSA. Ang lantad na pagkakaugnay ng simbahan sa mga desisyong politikal (dahil sa naging papel noon ni Cardinal Sin), ay nagsilbing butas na binalik-balikan ng mga politiko sa bawat pagkakataong naiipit sila at nawawalan ng idadahilan. Kesyo ang simbahan daw ang nagluklok kay Cory na siya namang nagpatupad ng Low Intensity Conflict na lumikha sa napakaraming internal refugee sa bansa, at siyang may kasalanan sa naganap na Mendiola Massacre. Kesyo ang simbahan daw ang nagluklok kay Gloria na siya ngayong nagbigay sa atin ng Human Security Act, PP1017, EO464, Oplan Bantay Laya, extra-judicial killings, at iba pa. Kaya nga nais ng simbahang tayong mga tao ang kumilos at maging responsable sa ating mga desisyon.

Tayo ang magpatalsik sa pamahalaang tayo ang nagluklok sa pamamagitan ng eleksyon. At tayo ang manindigan sa kawastuhan ng ating magiging aksyon.

Well… kung nahihirapan pa kayo, pwede naman tayong magsimula sa isang noise barrage ngayong Byernes, Pebrero 22, sa ganap na ika-6 hanggang 7 ng gabi.

At abangan na lang natin kung saan tutungo ang noise barrage na ito. J

Thursday, February 14, 2008


Ikasiyam Na Labas Na Po!

Lumabas na po ang ika-siyam na labas ng Editorial CARTOONS ATBP!

Pangunahing topic natin ngayon dito ay ang usapin ng coal at ang kalagayan ng rekursong pangkuryente ng lungsod ng Iloilo.

Nakapalaman din po ang mga editorial cartoons hinggil sa kudetang naganap sa Kongreso at ang bombang pasabog ni G. Jun Lozada.
Brgy RP on Joker


Mercenary


Monster


Thursday, February 7, 2008

TERRORIST ACT

Securing a witness that would tarnish the deteriorating image of the present administration is an outrageous act executed by the government, using its police force and all its bureaucratic connections.

It is in fact, a terrorist act.

Let;s just hope that Mr Lozada will not be terrified and terrorized.


PORK OVER PIG

The Solons opted for the pork instead of the pig. They think that the pork has more grease, more fat.

JDV was born in a year of the Pig.


BRGY RP on PGMA's Zero Extra-Judicial Killings Pronouncement

(paumanhin, madumi kasi ang scanner at sa paint ko lang to na-edit)

Wednesday, January 30, 2008

BRGY RP on UN's Ten Most Corrupt President


NEW COMELEC?


KILLING THE LIGHT

Friday, January 25, 2008

FALL-OUT





FESTIVE

Friday, January 18, 2008

Lumabas na po ang write-up ng UCANews hinggil sa Editorial CARTOONS ATBP Mag at Brgy RP Komix.

Here's the link to UCANews story about our Komix and the Editorial CARTOONS (The one being described at the lead paragraph is the cover of the 7th issue of the Mag)

http://www.ucanews.com/search/show.php?q=COMICS&page=archives/english/2008/01/w3/thu/PV04247Rg.txt

Open pa rin ang aming Collectors Promo.

Thursday, January 17, 2008



BRGY RP ON "FETUS"


CANCER

NEWEST BORA ATTRACTION

Friday, January 11, 2008

Brgy RP on National ID

DEMON SIGN

Thursday, January 10, 2008


DINAGYANG ATI
They're here again. Begging for alms.

Thursday, January 3, 2008

BEST GIFT



THE MILLION PESO BRIDGE
Sinong nagsabing marami ang nagugutom sa lungsod ng Iloilo?
Ha?
Sino? Pakainin natin sila ng tulay na ito!


Brgy RP

Thursday, December 27, 2007

Brgy RP.


PAPUTOK
Ngayong bagong taon ay sumabay ang Malakanyang sa pagpapaputok. Pero nais nilang sa kanila ang pinakamalakas.
Kaya naman eto't umarangkada na naman ang tsismis na asasinasyon, matapos ang kontrobersyal na pagpaslang kay Benazir Bhutto ng Pakistan.
Hmm. May maniniwala pa kaya sa kanila?
Gayong alam naman nating lahat ma ang pakanang ito ay isa sa pagsisikap nila para tuluyan na nilang maisagawa ang kanilang mga plano sa ilalim ng HSA?

JAIL
Pag mayaman ang involved, interesting ang istorya.
Pag mahirap ang tumakas, hot pursuit operation agad. Pag minala-malas, patay sa shoot out.

Tuesday, December 25, 2007


IKAWALONG LABAS, IKALAWANG TAON


Pinakislot ng bigong pagtatangka ng grupo ni Sen. Trillanes ang buong bansa. Mula sa de-erkong kuwarto ng isang mamahaling otel, tumagos hanggang sa kadulu-duluhang abot ng radyo at telibisyon ang takbo ng buong pangyayari, lalo na ang hindi makatarungan at kontrobersyal na pag-handle ng mga may kapangyarihan sa mga kagawad ng midyang naroroo't nagkokober ng mga kaganapan.

Ang mga kartung laman ng ikawalong labas ng Editorial CARTOONS ay isang pagtatangka, na ilahad ang isa pang pananaw hinggil sa pangyayaring yaon na kinilala ngayong Manila Pen Siege.

Swak na swak ang katawagang ito lalo na't ang Pen ay kumakatawan sa midya. Sa isyung ito'y nais naming ilahad na ang tunay na kinubkob ay hindi ang otel, kundi ang ating kalayaang maka-alam at ang anak nitong kalayaan sa pamamahayag.

Laman din ng isyung ito ang isang artikomiks hinggil sa Dengue, na naghahatid ng mariing punto na ang tao at hindi ang lamok ang tunay na nagkakalat ng dengue sa buong mundo.

Sana po ay magustuhan ninyo ito. Maligayang Pasko po! Manigong Bagong Taon na rin. :)
-----------------------------
(ang sumusunod na teksto naman ay ang posisyon namin hinggil sa pagpaslang sa isang kasama sa industriya, si Ferdinand 'Batman' Lintuan ng dxGO sa Davao. ang tekstong ito ay nakapaskil sa back cover ng ikawalong labas ng CARTOONS.)
PARA SA BATMAN NG DAVAO
Habang ginagawa namin ang magasing ito, nabiktima ng kultura ng karahasan at kawalang pakialam ng pamahalaan ang isa na namang mamamahayag.Si ‘Batman’ Lintuan, isang batikan at epektibong komentarista ng MBC sa lungsod ng Davao, ay pinaslang ng mga galamay ng pinaghihinalaang grupo o indibidwal na nasagasaan ng kanyang palabang dila.
Ang pagkakapaslang kay ‘Batman ay isang mapait na paalala sa ating lahat na hindi titigil at walang balak tumigil ang mga alagad ng karahasan, kasamaan, pandarambong, at kainutilan, na gumamit ng patraydor na armadong dahas para patahimikin ang mga katulad ni ‘Batman’ na nagbubunyag ng mga katotohanan.
Ganundin, ang pagkakapaslang kay ‘Batman’ ay isa pa ring mapait na patunay, na wala nang ‘due process’ sa mga mamamahayag na nakabase sa mga probinsya at yaong mga nakabilang sa mga maliliit na institusyon ng pamamahayag.
Ang pumaslang kay ‘Batman’ at sa iba pang mga lehitimong mamamahayag sa nakalipas na mga taon ay yaong mga grupo o indibidwal na may itinatago sa batas. Kaya’t ang paraan ng paglilinis nila ng kanilang mga pangalan ay hindi naaayon sa batas ng demokrasya, bagkus ay ayon sa batas ng karuwagang nakatago sa mga pulbura at tingga.
Ngunit hindi mapipigil ng marahas na pagkamatay ni ‘Batman’ ang kwerpo ng mamamahayag sa bansa na tumatangan sa responsableng pamamahayag.
Mula sa lugar na kinabuwalan ni ‘Batman’ ay uusbong, tutubo, yayabong, mamumulaklak at mamumunga ang marami pang bagong ‘Batman’.
Dahil hangga’t nananatiling isa sa mga karapatan natin ang maka-alam, tuluy-tuloy na dadami ang mga indibidwal na magiging ahente ng kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagpapahayag.
Ang pagpupugay ng Editorial CARTOONS ay ilalakip lang namin sa isang salita, at iniaalay namin ito sa mga kasamahan natin sa midya, sa mga bagong henerasyon ng mga mamamahayag, sa buong sambayanan, at sa mga martir ng malayang pamamahayag: PADAYON!

Wednesday, December 19, 2007


GREEN CHRISTMAS
US Yin Yang

Naimbento nga ng mga Tsino ang makalumang yin-yang. Pero ginawa naman ng US ang makabagong bersyon nito.

Ang kanilang yin-yang ang siya ngayong pinaka-kalansay ng kanilang patakarang panlabas.

Kamakailan lamang ay bumulaga ang yin-yang na ito sa ating bansa. Una nating nakita ang kabilang pisngi nito: ang pasubok na pagkukudetang may halong insureksyunismo nina Trillanes at ng mga sibilyang grupong associated sa insurrection drive.

Nang mabigo ito, agad namang nagpakita sa atin ang kabilang pisngi nito: ang pasismo.

Ang walang pakundangang pag-aresto sa mga kagawad ng midya. Ang bantang pagbubuo ng patakaran sa pagkokober ng mga taga-midya sa kahalintulad na mga pangyayari. Ang paninindigang wasto ang handling ng pamahalaan sa mga taga-midya sa Peninsula. At ngayon nga, ang bantang pagbabalik ng Anti-Subversion Law. Pasismo.

Ah.

Dalawang mukha ng yin-yang ng Estados Unidos.

Salitang sumasampal sa ating pagkatao. Sa ating pagka-Filipino.

Thursday, December 13, 2007


DARKER DAYS

Habang iginigiit ng mga pribadong kapitalista at ng pamahalaang panlungsod ng Iloilo ang pagpapatayo ng isang nakakalason at mapanirang Coal-Fired Power Plant sa loob mismo ng naturang lungsod, nagiging sunud-sunod na ang brown-out sa bawat araw.

Ito ang paraan nila para papaniwalain ang mga Ilonggo na kulang na nga talaga ng kuryente ang lungsod at kailangan na nga talaga ang nasabing planta.

May isa pang tawag dito: Black mail.
The 'PEN' Siege

Naging kontrobersyal ang naganap na pang-aaresto ng mga kagawad ng pulisya sa mga elemento ng midya sa gitna ng panibagong pagsubok ng grupo ni Trillanes, ilang indibidwal at ilang personalidad ng mga insureksyunista, na pabagsakin ang rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Maraming batikos na tinanggap ang kapulisan at kasundaluhan pero matapang naman itong hinarap at sinagot ng mga opisyal nito.

Ganunpaman, nakakalungkot isipin na hindi naipupunto ng mismong mga media outlet na involev sa naganap na 'pen siege' ang isang napakalaking patunay na bukod sa mali ang ginawa ng PNP ay hindi pa ito ang epektibong paraan ng pagdakip sa mga Magdalo: ang pagtakas ni Capt Nicanor Faeldon.

Ah. Binuhay tuloy ng pangyayaring ito ang napakatagal nang tanong hinggil sa 'kalayaan' umano ng mga mamamahayag sa ating bansa.